panaginip...

sa aking isipa'y
matagal na kitang linimot
subalit sadyang
mapagbiro ang tadhana

sa 'di inaasahang panahon
sa akin, ika'y nagpakita

ala-ala ng kahapo'y
nanumbalik...
mga mata nati'y
muling nagkatitig;
mga labi'y puno ng
pananabik;
napukaw muli,
mga damdamin nating
sawi

napakahirap tumanggi
sa tukso
na di natin
maikukubli
mga katawa'y naglalagablab
animo'y naglalarong apoy
sa ating buong
kalamnan

pikit mata
wala tayong nagawa
kundi sumabay
sa saliw ng musika

pagdilat ko'y
wala kana
iniwan mo akong nag-iisa

tumayo ako sa kama
akala ko'y totoo na

sayang... tsk.tsk.tsk.

IKAW ay PANAGINIP lang pala!

No comments: